Ayan ka na naman,ksp. Ganyang ganyan ka din last year. Gantong-ganto, summer. Nang lilito na naman. Rumerekindle, tas bigla biglang poof, umaalis ng parang bula. Ano tayo naglalaro ng taguan?? Anu ka multo?? Bigla biglang nagpaparamdam! Aba! Lagi na lang ba?? Naaalala nyo lang ako pag may kailangan kayo! Wow nakakaiyak naman sa parte ko, utang na loob ko pang naaalala mo ako? Uy, thanks ah! Bigwasan kaya kita ng bongga. Tas akala mo naman ako pa may kasalanan. Ako pa nagkukulang? Thanks talaga ha! Magaling ka talaga eh.
Alam mo bang nanghula pa ko kung bat ka biglang dumisappear nun. Inisip ko pa kung ako ba problema. Wow naman talaga. Tas ngayon aba, close ulit tayo?? Tama na. Nakakasawa boi. Humanap ka na lang ng iba. Madami jan. Maraming marami. Just so you know, nakakapagod ka. Nakakasawa kasi eh. Nakakabitin. Alam mo yun-- yun na eh. Tas biglang pooofff! Nasan ka na???
Wag mo kong ginu-good time. Magaling din ako jan. Ewan ko, baka siguro hindi na tayo friends. Pagiisipan ko pang mabuti. Sa kabila ng lahat, hahaha may chance ka pa din. Ikaw pa. Hahahahha
