Naexperience mo na? Yung minsan isang umaga, pag gising mo parang pagud na pagud ka. Ambigat sa pakiramdam, Init na init ka. Yun parang tumakbo ka ng sampung kilometro ng walang tigil. Taeee ako oo, kanina. amp. Akala ko totoo, panaginip lang pala. Bwaha, sayang. Sa panaginip ko nagiimapake daw ako, aba ayos yun ah. Saan kaya ako pupunta? As in nagmamadali ako akyat baba sa bahay para kumuha noon, kumuha nyan. Wow ano ako pugante kaya? kung ano man, basta pag hilamos ko, heaven. Nahimasmasan ako. Naisip ko nga eh, baka nag sesleep walk ako kaya ako napagod, haha san kaya ako pumunta?
Basta, isa pang weird eh. Every night panaginip ko kung hindi ako tumatakbo, may hinahabol naman ako. Nun isang gabe nagdadrive daw ako ng mabilis para makaabot sa isang lugar, tapos yun pala dead end. Ang creepy, pero di ako nahulog, nagising na ko eh. Tapos isa pa, naka sakay ako sa tryk para pumunta sa school, duh, school tryk? Weird db? Eto pa weird, malapit nako eh as in tanaw ko na pero di naman ako makadating. Yung parang ayun na oh, pero di ka umaalis sa pwesto pero umaandar? Watdahell anggulo talaga. Naguguluhan ang utak ko. Ngayon kaya anu naman kaya dream adventure ko? Ayos sana kung may kapartner ako eh,, eh wala. Nawawala tuloy ang thrill. Hahahah, isang request lang, kahit sa chuva baybeh lang! hahahha.
