ayun. napablog tuloy ako. ikaw kasi eh, dumadalaw dalaw ka sa panaginip ko. pinapalungkot mo lang ako. :(
ang eksena, basta uuwi na daw ako dapat, tapos since wala akong kasabay umuwe naghanap ako ng kasabay. tapos ayun nga sabe nya sabay na lang daw kame. maayos pa nga kameng nag-usap na sabay nga kame. may ginawa lang ako saglit, tas nakita ko na lang tumakbo siya palabas ng building. tinawag ko pa nga siya eh "uuuuy!! chorva!!" hindi siya lumingon, tuloy tuloy lang siya sa paglabas, ako naman, si takbo. pero sorry, mabilis siyang tumakbo kaya di ko na siya naabutan. :(
ano yun? oo alam ko na naman eh, wala ka na. di ka na babalik kahit kelan.(pero di ko pa din tanggap, ankulit ko kasi eh.) pinamuka mo pa ba saken? babye na ba yun? huhu parang sana sumakay ako ng kotse para naabutan kita nun. may sasabihin pa naman sana ako. pero sorry saken, di ko na yun masasabe kahit kelan. sige, babye na ingat ka na lang jan. babye. :)
